Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang letra ng
tamang sagot at isulat sa iyong sagutang-papel.
1. Ito ay tumutukoy sa mga gawi ng pagiging tao, pagiging matatag at pagiging
malakas ng isang indibiduwal sa anomang kaganapan sa buhay.
A. Birtud C. Pagpapahalaga
B. Moral D. Karunungan
2. Ito ay moral na birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang
nararapat para sa kaniya: sinoman o anoman ang kaniyang katayuan sa
lipunan at upang maging isang mabuting kabahagi nito.
A. Karunungan C. Kalayaan
B. Katanungan D. Katatagan
3. Ang ‘halaga’ ay salitang-ugat ng katagang pagpapahalaga. Tukuyin kung alin
sa sumusunod na pahayag ang HINDI totoo patungkol sa salitang halaga
(value).
A. Ito ay nagmumula sa sarili
B. Ito ay obheto ng ating intensyonal na damdamin
C. Ito ay nagbabago depende sa tao, sa lugar, at sa panahon.
D. Ito ay nangangahulugang pagiging matatag o malakas at pagiging
makabuluhan
4. Alin sa sumusunod ang pinakanatural at pinakamahalagang tagapagganap
ng pagpapahalaga sa buhay?
A. Pamana ng kultura
B. Mga kapuwa kabataan
C. Pamilya at pag-aaruga sa anak
D. Guro at tagapagturo ng relihiyon
3 CO_Q3_ESP 7_Modyul 1
5. Alin sa sumusunod ang HINDI tumutukoy patungkol sa birtud?
A. Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus
B. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at kilos ng tao.
C. Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos
D. Ang birtud ay bunga ng paulit-ulit na pagsasakilos ng mga
pagpapahalaga ng isang tao.
6. Ang mga sumusunod ay angkop na katangian na dapat taglayin ng ganap na
halagang moral. Alin sa mga pahayag ang HINDI WASTO tungkol dito:
A. Ito ay nagmumula sa pagnanais na gumawa ng tama
B. Ito ay pangkalahatang katotohanan na tinatangap ng tao bilang mabuti
at mahalaga
C. Ito ay maaaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng
isang pangkat ng tao.
D. Ito ay mga prinsipyong etikal na pinagsisikapang makamit ng tao at
mailapat sa kaniyang pang-araw-araw na buhay.
7. Kasabay ng pagiging isang mabuting indibiduwal ang pagkakaroon ng tamang
gawi at aksiyon. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang gawi
ang higit na magpapalalim ng pagpapahalaga na mayroon ang isang
indibiduwal.
a. Pagsunod sa nakatatanda
b. Pagdalo sa gawaing pampaaralan
c. Pagiging matatag sa anumang problemang dumaan sa buhay
d. Pagsangguni sa mga nakatatanda at kinauukulan sa bawat desisyon na
gagawin
8. Sa paanong paraan mahuhubog ng isang tao ang kaniyang Birtud upang
maging isang mabuting kabahagi ng lipunan?
A. Makikisama ng naaayon sa ipinapakita ng iyong kapwa
B. Maging isang mabuting mag-aaral na huwaran ng mga kapwa mag-aaral
C. Gumawa nang naaayon sa kinakailangang kilos na inaasahan ng
lipunan
D. Isabuhay ang mga pagpapahalagang natutuhan mula sa pamilya, sa
paaralan, at maging sa mga karanasan sa buhay.
4 CO_Q3_ESP 7_Modyul 1
9. Si Ruben ay isa nang ganap na binata at may nililigawan na kung kayat laging
pinapaalalahanan siya ng kaniyang mga magulang ng tamang gawi patungkol
dito. Sa papanong paraan maipapapamalas ni Ruben ang kanyang birtud
bilang isang binata patungkol sa usapin ng panliligaw?
A. Hindi na muna siya manliligaw sapagkat higit na mahalaga ang
pag-aaral.
B. Pahahalagahan niya ang dalagang kanyang nililigawan higit kaninoman
at anoman.
C. Susundin niya ang pamantayan ng panliligaw at ang paalaala ng
kanyang mga magulang ukol dito.
D. Bibigyan niya ng panahon ang panliligaw upang maging masaya ang
nilinigawan.
10. Ang edukasyon ng isang indibidwal ay sinasabing nagsisimula sa tahanan.
Kailan masasabing tunay itong naging epektibo?
A. Kung may mabuting ugnayan ang magulang at anak
B. Kung pinahahalagahan ng mga anak ang kanilang pag-aaral sa
araw-araw
C. Kung may malalim na pagmamahalan sa loob ng tahanan Kung ang
kasapi ng pamilya ay may kakayahang isabuhay ang mga natutuhan sa
loob ng tahanan