Piliin ang mga salita mula sa kahon na tumutugon sa bawat pahayag. Isulat sa
kuwaderno ang inyong mga sagot.
Manok
layer
Japanese Seattle
Rhode Island
itik at pato
Red broiler
tilapia
Plymouth Rock
pugo
1. Isa sa mga hayop na madaling alagaan at paramihin. Ito ay inaalagaan para sa
kanyang itlog at karne. Karaniwang ulam ito ng mag-anak sa hapagkainan.
2. Ang itlog nito ay mayaman sa protina kung kaya't ito ay mainam sa pagpapalaki
ng katawan at mga kalamnan.
3. Uri ng isdang madaling alagaan at masarap kainin. Nagtataglay ito ng bitamina
na kailangan ng ating katawan gaya ng protina. Karaniwang pinalalaki ito sa
mga palaisdaan sa likod-bahay.
4. Isang uri ng manok na inaalagaan para sa mga itlog nito.
5. Karaniwang inaalagaan ang mga ito sa mga lugar na malapit sa tubig kung saan
may mga suso at tulya para sila ay maipastol at makatipid sa pagkain.
6. Isang uri ng pugo na mahusay mangitlog at malaman pa.
7. Ito ay magandang pagkakitaan dahil sa maraming mga produkto na makukuha
rito tulad ng balut, penoy, at pulang itlog
8. Uri ng manok na inaalagaan para sa taglay nitong karne.
9.- 10. klase ng manok na mainam sa pangingitlog at sa kanilang karne